TOP 5 Reason why NCCC Supermarket is Sulit Mom's Favorite
(TagLish Blog Below!)
First and foremost, Mga Kumare! Happy Mother's Day sa inyo! At super excited na ako to celebrate our "Grand Mother's Day" Celebration! Yahoo!
I have posted last week about the event happening this May 18-19 2019 sa NCCC Buhangin. Ito ay yung Mommy Convention. Ang gathering ng mga Ina sa iba't-ibang gawain, larangan at parenting style sa isang lugar. Nakaka excite na makita ang mga Ina na masaya at of course , meeting new mommy friends! Syempre naman diba, we will meet and know some mothers na sikat man o hindi at we will learn from them.
Iyan mga Inay ang advocacy ng NCCC Supermarket. Aside from uniting mothers from north to south, they always aim to empower mothers like. Wow! English yun ah.
Last Sunday, sinadya ko talagang mamili sa NCCC Supermarket (NCCC Mall Buhangin). Nabalitaan ko kase na ibang level ang pagpapahalaga nila sa mga Ina tulad ko. And I want to see and experience that!
So, heto na mga Kumare ha. I will list down the TOP 5 Reasons why I consider NCCC Supermarket to be a "Mommy Destination".
- They "GO GREEN", mga mads! Meaning they advocate on it! Minimal nalang ang nakaplastik at yung makikita mong mga gulay ay "palengke feels" na. Yung mga maliliit na gulay tulad ng sili ay nakabalot na sa dahon ng saging.Yung sitaw naman ay nakabagkus sa sarili o nakatali ng yung brown na tali. Parang "twisted" na sya, at ang mga iba pang gulay tulad ng kangkong ay nakatali na sa manipis na tali.
- At dahil sa advocacy na iyan , minarapat na rin nila maglagay ng isang lane para check out para lamang sa ECO BAG, BOX at BAYONG! Oh diba! Kung may dala kayo na bayong o eco bag, go straight sa GREEN LANE! Kung gusto din ng mga mamimili na subukang gumamit ng Eco Bag, may available rin na NCCC Eco Bag sa counter na ito!
- At dahil uulit ulitin mo ang pamimili sa NCCC Supermarket, dapat lang na kumuha ka ng NCCC Rewards Card! May dalawang klase ng card, Rewards Premium at Kanegosyo Premium. Ang mga Rewards Card na ito ay maaring gamitin sa LAHAT NG BRANCHES ng NCCC nationwide. Ang dalawang klase ng card ay maaring gamitin sa supermarket at department store, pati na rin sa Hardwaremaxx. Maari mong gamitin ang card upon check out at ipunin ang points para sa susunod mong pamimili.
- Paano ba mag apply ng Rewards Card? Simple lang mga mads! Pumunta sa Cashier/Counter ng NCCC Supermarket o Department Store. Mag Avail ng kanilang slip, follow the steps na nakasulat sa slip, pay for the card and iconfirm ito sa Conceirge. Walang limang minuto , makukuha mo na ang Rewards Card mo!
- At ang HIGHLIGHT sa pagbubukas ng Mommy Convention, ang MOMMY LANE! Malimit nating nakikita ang lane para sa mga PWD at Senior Citizen. Aminin natin, mahirap lumabas dala ang ating mga anak. Isang napakalaking hakbang ng NCCC Supermarket ang pag-launch ng lane para sa mga ina na may akay, o kasamang anak/bata. Mas mapapadali ang pamimili nila, mas magaan ang pamimili ni Mommy.
Naku mga Kumare, super dami pang chikahan ang nais kong ishare sa inyo! Pasensya na't limited lang din ang panahon ko. Alam naman natin na "busy" tayong mga Nanay!
Kita kits sa NCCC Mall Buhangin , May 18-19 2019 ! Let us celebrate our Motherhood Journey sa paparating na Mommy Connvention!
Oh Yan lang muna ha!
Happy Mother's Day!
Love,Mommybabe
0 Comments