facebook instagram Youtube
  • Home
  • About Mommy Babe
  • Parenting
  • Travel
  • food
  • Journal
  • Work With Me

The Mommybabe Show



Are you sure you can do it?

Do you have enough money?

Can you stand on your own?

These are just a few questions I have received when I became a mother last 2014. It has been the darkest part of my life, people doubted my abilities.
.
BOOM! I was confused! Am I doing this “motherhood thing” right? I read a lot of books but none of them answered my wonders. I listened to many “old mom tales” but none of them satisfied me.
I am very curious, I started checking milk brands at 6 months of my second pregnancy. I thought the crib is an essential (lol not the Filipinos bro). It is because I never trusted myself and I depend on what other people say. Their opinions matter to me during those times.
.

🌻PLOT TWIST🌻
.
LOOK where I am today. I am one strong mom like you who grinds during the day and still wakes up during my 3-year-old daughter’s night time latch.
.
.
Passing on to moms the values of SELF WORTH AND CONFIDENCE. We have to introduce ourselves to people who will never disregard our worth as a person and as a mom.
As a young mom, I have a lot of stories to tell to the world, be wise enough to choose who are these lucky people will be. Be with those souls who believe in you when you have nothing but COURAGE.
In this generation, ACCEPTANCE is too hard to gain. So, you have to be the one to start giving it out for FREE🌈
.
The love that overflows within our hearts is the love that runs through your child. If this practice of respect, understanding, and sympathy will grow, the world will be a better place for our children- and that is our MISSION. Right?
.
.
It has been Five Happy years since I became a mom. I still have a long lonely-happy-ecstatic road to come and I am sure I will enjoy every bit of it.
.
And that is my #PassItOnMom story.
.
How about you Kumare? Nay? What are you passionately passing on and who are you doing it for?
.
.
Together with the moms here in Davao and Mommy Mundo , we celebrate the power of every mother through #PassItOnMom.

October 14, 2019 No Comments


“Gusto ko na magtrabaho,”“Ang hirap isa lang ang may income.”“Ano kaya mga magandang ideya sa online selling?”




Gusto mo na rin ba sanang magkaroon ng hanapbuhay? Paano kung si Nanay ay nagpapasuso? Paano kung may mga maliliit pa na anak na kailangan gabayan?

Sinong nanay ang relate sa gastusin sa bahay? Yung petsa de peligro na tapos may bayarin ka pa? Ang layo pa ng katapusan! Iyak tawa nalang tayo!

Di natin maitatanggi ang laki ng kontribusyon ng mga kababaihan sa ekonomiya ng bansa. Sa modernong panahon, mas madali at mas maginhawa ang buhay kapag dalawa kayo ng partner/asawa nyo ang nagtatrabaho?

Minsan napapasubo talaga tayo to decide what is best for our family.

Mga Inay?Gusto nyo bang magtrabaho habang nagpapadede kay baby? Habang hinihintay ang paglabas ni Kuya sa school?

Ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga hanapbuhay na pwede nating gawin sa bahay!!

ONLINE SELLING (Retailing) 

 Madali lang, maghanap ka ng supplier sa online, mag abang ng Sale sa Shopee at LAZADA. Ipost at ibenta sa online friends mo! TIPS; Sumali ka ng groups (mommy groups, destash groups etc) para mas maraming parokyano!! Ibenta ang uso, maging friendly ! I started online selling since 2015 (active) and it is really heart warming na andito pa rin ang mga suki ko!!

HANDICRAFTS and MADE TO ORDER!

Marunong ka ba magluto? Manahi? Gumawa ng souvenir?? Mga mommies, patok na patok ngayon ang paggawa ng sariling tinda at itinda ito online! Halimbawa lamang ang paggawa ng leche flan or yema cake (ang sherep!), kung magkakaroon ka ng suki at magugustuhan nila produkto, ititinda nila ito sa iba at tiyak magiging reseller mo sila! TIPS : Gawan ng “twist” ang gawang pagkain! Kung ikaw ay marunong manahi at nakapag-aral o nakapagsanay ng gumawa ng damit pambata, souvenirs sa binyag or birthdays, tiyak kikita ka kahit nasa bahay ka lang. All you need to do is to post a sample/inspiration sa Facebook or Instagram!! Gawing creative ito at unique!!

ESL or Online Teaching!! 

Familiar ka ba sa ACadsoc? How about 51Talk? Mga Mommies, kung ikaw ay interesadong magturo ng English Language sa mga kabataan o sa mga dayuhan, tiyak sayong sayo ang oportunidad na ito! Kaibigan ko si Chelay, isa syang ESL teacher! Nagtatrabaho sa gabi at full time mom buong araw, supermom diba! Paano ba makaapply ? Ano ba ang “requirements”? Una, internet connection. Pangalawa, desktop or laptop (na may magandang specs) , headset (may noice cancelling) at isang tahimik na workin environment? 

Sa ibang mga detalye, silipin ang link na ito → http://www.51talk.com/ph/landing_refer.php?refer=35495
Tutulungan kayo ni Mommy Chelay nyan <3

VIRTUAL ASSISTANT! 

Isa ako sa mga virtual assistant na nagpapadede habang nagtatrabaho. Nagluluto habang nag aabang ng message ng client, nagpapatahan ng anak habang nag-aayos ng docs ng client. Isa sa napaka flexible na trabaho ng isang Ina ang pagiging “Virtual Assistant”. Maari kang maging social media manager (taga schedule at maari ring taga gawa ng content) sa mga socila media platforms. Maari kang maging researcher, tagalikom ng datos o “lead generation”. Graphic Designer, taga gawa ng mga mahuhusay na graphics at art! Data encoder, appointment setter! Web designer, IT consultant etc!! Napakadaming scope ang pagiging virtual assistant!

Maari nyong macheck ang mga trabahong bagay sa skils ninyo sa link na ito :
https://www.onlinejobs.ph/
https://www.outsourcely.com/
https://www.freelancer.com/


Oh diba! Super daming paraan ! Cheer up mga Inay! <3

Hanggang sa susunod!

Mommybabe <3
October 14, 2019 1 Comments



Hey, Madlang Kumare ! Kumare kong magaganda! Genern!

At dahil Monday ngayon, magbabahagi ng nga #usefultips sa ating mga Nanay 😉

Yazz. Useful tips! At ngayong Lunes na itey, pag uusapan natin ang #Gcash.

Tayong mga Nanay , minsa tayo ang naaassign na magbudget sa bill ng kuryente. Tubig, insurance at iba pang bayaran. Alam nyo ba na may na discover akong isa napaka gandang tools to help us? (Wow english😂)

Ano nga ba ang #Gcash?
Ang Gcash ay isang mobile app gawa ng Globe Fintech Innovation Inc. na naglalayong mas mapadali ang ating daily errands! Charet!

Ano ang kayang gawin ng gcash?
- Magtransfer ng Pera from Gcash to Banks!
- Magbayad ng bills ng tubig, ilaw, insurance, sasakyan !
- Magload! Pwede ang loading business!
- Pambayad sa grocery o sa mga establishments na GCash enabled!
- Magkaroon ng GCredit! (Works like a credit card at depende sa gscore mo!)
- Mag avail ng Freebies! (Chowking, jollibee etc!)

Alam nyo ba na pwedeng...
- Malink ang iyong Paypal, BPI at ibang bank account sa iyong Gcash?
- Pwede ring malink ito sa iyong Gcash Mastercard!
- Pwedeng mag avail kahit na wala kang Globe Number! Yas!!!
- Voucher and Promos every week!
- Pwede kang mag cash in sa GCash sa 711, ang paypal/bank account na nalink, sa mga remittances gaya ng RD at palawan!


Napakalaking tulong ng GCash sa akin. Di na ako lalabas ng bahay para sa bills, less gastos at less pagod. Lalo na’t may dala lang kiddos! Hay naku!
Mag download lamang ng #GCash app sa Google Playstore if you are using an Android phone,at App Store if naka Apple (iOs)Phone kayo 🙂😘

PS di po ito sponsored or paid. Sharing is Caring po 🥰😘😍

October 14, 2019 No Comments


I originally published this on my Facebook Page and Instagram. But, I guess I need to repost this on my website too!

May Mini Stage din sila! Bongga!


If you are planning to visit Davao City, this is one of the start-up resto/cafe you might pay a visit!

Checklist para alam mo kung anong meron doon:
📍HEAVY EATER KA BA SA UMAGA?
📍GUSTO MO NG BREAKFAST SA HAPON?(char meh ganun?)
📍GUSTO MO NG BANGSILOG, TOSILOG O CORNSILOG SA GABI?

Tuna Belly! HIGHLY RECOMMENDED!!

Madlang Kumare! Lalo na yung mga breastfeeding moms! May bagong cafe/resto sa Davao City na tiyak na you will GHAVE some attention!

TAPSILOG!


BANGSILOG!






Visit and dine with Dane & Ghave Cafe 😍
🥓Enjoy yummy foods at a very AFFORDABLE PRICE! (yes! Yang 100 mo gawin nating complete breakfast meal!)
🍗What I love about them is aside from their breakfast foods, bet na bet din ang kanilang PINOY Foods! Grilled tuna, sinigang at iba pa!
🚕 Located at thea heart of Davao City (char may heart haha) , Bonifacio St, Oyo Hotel (Miko Residences) just a walk away from UIC Bonifacio Campus!
💃🏼Becoz these ALL DAY BREAKFAST SPECIAL dont deserve filters 😭😭 Here is the “filter-less” foods from Dane and Ghave.



🧚🏻‍♀️🧚🏻‍♀️Feel mo ba magshare? Send mo yan sa’kin mother!IG: https://www.instagram.com/mommybabephFB:https://www.facebook.com/mommybabephWebsite : www.mommybabeph.com📍mommybabeph@gmail.com
October 14, 2019 No Comments


Ilang taon kana nagpapadede kay Ate, Kuya o Bunso?

Ayon kay Mommy Rich, Admin ng Breastfeeding Pinay. May APAT na stages ang BREASTFEEDING.
Ito ang sumusunod :
"Exclusive breastfeeding for first 6 months (no solids, water or any other supplements)
Extended breastfeeding (with complementary feeding) for 6 months - 1 year
Continued Breastfeeding for 1-2 years
Sustained breastfeeding for 2 years and beyond"



Way back preggy days, ang nasa isip ko lang is to breastfeed until 6 months. Kase akala ko it is the "right" thing to do. Funny nga kase as I grow as a mom, I learned babyled weaning, at hintayin kung kailan aayaw na si baby sa breastmilk.

We actually planned to what formula milk to buy lol.
That is why we need to educate ourselves. Sa panahong ito na super dami na ng resources to learn, from books to internet, to seminars up to community events!!

Thankful ako na part ako ng isang movement that I know will help the future generation of moms to make wise and educated decisions.

Now, TATLONG TAON na akong nagpapadede sa pangalawa kong anak. No signs of weaning, pero winning meron.

TO INFINITY AND BEYOND!

Ikaw 'nay?? Anong stage kana??
October 14, 2019 No Comments

Naku! It's the time of the year na naman upang dumayo ng mga paaralan lalo na mga pampublikong elementarya para sa "Pilipinas, Kuto Free Ka Na ba?!" Drive ng Licealiz. Ang layunin ay dayuhin ang 30 PUBLIC SCHOOLS sa buong bansa na may 6,000 apektadong mag-aaral ng kuto at mamigay ng Licealiz Sachets.

Ngayong taon, napili ang Cesareo Villa Abrille Elementary School upang bigyang karagdagang edukasyon ang mga kabataan tungkol sa personal hygiene nila, lalo na ang pagwaksi sa napakatagal ng problema ng mga Nanay- ang kuto!

Wash/Rinse Area


Alam nyo ba mga kumare na napakarami pala tayong di alam tungkol sa "parasites" na ito. Ililista natin ang mga bagay na natuklasan ko kahapon sa aming programa kasama si Dra. Ana Liza Lanuza, isang Family Physician (Occupational Medicine).


  •  WALANG PAKPAK ANG KUTO. Therefore mga Nanay, gumagapang po sila gamit ang kanilang ANIM na maliliit na paa.
  • KAYA NILANG MAGPARAMI sa ISANDAANG ITLOG ! Bongga! 
  • Ang paggamit ng ng SUKLAY, UNAN, SUMBRERO at iba pang kagamitang ginagamit ng isang "infected person" ay ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng kuto!
  • Umabot na sa WALONG MILYONG kabataan na may edad 7-12 taong gulang ang infected sa kuto mula noong 2009!
Kasama ang Lamoiyan Corporation, si Doc Lanuza , mga kasamahan ko sa Mommy Bloggers Philippines , Ms Cristina Martinez ng Lamoiyan Corporation , mga mag-aaral at mga magulang sa tulong ng Department of Education at Drugstores Association of The Philippines (DSAP) , naganap ang isang programa at workshop upang maiwasan, maiwaksi at tuluyan nang maalis ang kuto ng mga kabataan.

Si Dra Lanuza habang nagbibigay ng karagdagang
impormasyon at edukasyon sa mga estudyante at mga magulang.


Iginiit din ni Doc Lanuza na wala sa edad, kasarian at estado sa buhat ang pagkakaroon ng kuto. Ang pangunahing bagay na dapat mairesolba at maturo ay ang pagiging malinis sa katawan at "proper education." Hindi ibig sabihin na naligo kana ay "okay" na. Kailangan ding palaging malinis, isa sa paraan ay ang pag-iwas sa paghiram ng mga "grooming" materials sa iba at tamang pangangalaga din gamit ang IWAS KUTO SHAMPOO WITH CONDITIONING FORMULA!

Ito ay ang LICEALIZ!! Ang licealiz ay isang Anti Lice Shampoo na di lang mapapanatiling malinis ang ating mga ulo, nakakatulong din ito sa pangangalaga ng ating buhok.

Paano nga ba gamitin ang Licealiz? Kailangan natin sundin ang tamang hakbang upang maging matagumpay ang ating "misyon."
  1. Basain gamit ang tubig ang ulo at buhok.
  2. Maglagay ng tamang dami ng Licealiz Shampoo sa palad at iapply sa buhok. Ikuskos lalo na sa anit.
  3. Ibabad ng sampung minuto.
    Ang cute! May isang mesa na may crayons at coloring books para di mainip ang mga bata sa paghihintay ng 10 minutong babad.
  4. Banlawan.
  5. Ipatuyo gamit ang malinis na tuwalya.
  6. Gamitan ng suyod para maalis na sa ulo at buhok ang mga kuto.
  7. Gawin ito dalawang beses sa isang Linggo hanggang tuluyang mawala ang mga kuto.



Napakadali diba? Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga! 
Bilang isang magulang, napakahirap sa atin ang makitang di makatulog ng maayos ang ating mga anak dahil sa disturbong hatid ng pagkati at pagdami ng kuto. Napakahalagang tayong mga magulang ay may KUSA AT MALASAKIT sa ating mga anak.

Hindi lamang simpleng pagligo, pati na rin ang pagpapangaral sa ating mga anak kapag sila ay nasa labas at di tayo ang kasama. Turuan silang maging malinis sa katawan. Ika nga diba, "CLEANLINESS IS NEXT TO GODLINESS!"



Ano pa bang hinihintay nyo? Maging KUTO FREE NA! Lalo na at available na din sa mga sachet ito!
Bisitahin ang Facebook Page mg Licealiz para sa karagdagang impormasyon

Mga ngiti galing sa kapwa ko bloggers! Yay!



May tsika ka ba? Send me a DM and mgsubscribe sa email ko!

October 09, 2019 No Comments
Newer Posts
Older Posts

Hey, Madlang Kumare!



Hi, I am Ysai, your Digital Nomad Mommy!
Samahan nyo ko as I travel, write and vlog about life as a mom of an angel and a rockstar.

Love,
Mommybabe:
Ang Pambansang Kumare ng Pilipinas


Subcribe to our Youtube Channel!

Let's Connect

Labels

beauty breastfeeding defensil alcohol safety protocol motherhood events food trips hygiene journal licealiz mommyhacks motherhood onlinejobs tips

recent posts

Blog Archive

  • ►  2022 (3)
    • ►  December (1)
    • ►  November (1)
    • ►  January (1)
  • ►  2020 (4)
    • ►  November (1)
    • ►  March (1)
    • ►  January (2)
  • ▼  2019 (25)
    • ►  December (2)
    • ►  November (3)
    • ▼  October (6)
      • My Mommy Mundo's #PassItOnMom Story
      • #MommybabeTips : Homebased Hanapbuhay Para Kay Nanay
      • |MOMMYBABE TIPS| GCash (Not sponsored)
      • #MommybabeEats : Cafe to Visit in Davao City
      • STAGES OF BREASTFEEDING??
      • Truths or Lice? #KilusangKontraKuto ng Licealiz s...
    • ►  May (3)
    • ►  April (3)
    • ►  March (3)
    • ►  February (3)
    • ►  January (2)
  • ►  2018 (5)
    • ►  December (5)
Powered by Blogger.

Popular Posts

  • Junk Journals for Moms (Part 1) : Affordable Crafts and Tips
  • Our Home's Safety Protocol with Defensil Isopropyl Alcohol
  • Arts and Who Is Jesus in Our Lives : Visiting Art de Triomphe's Kristo 2020
  • The New Gateway of Beauty : Tres Jolie Davao By Beautéderm
  • Missed THREE-ry : Why Its Great to Breastfeed Your Toddler?

FOLLOW ME

MommyBabePH
FOLLOW ME @mommybabeph

Created with by ThemeXpose | Distributed By Gooyaabi Templates