#MommybabeTips : Homebased Hanapbuhay Para Kay Nanay
“Gusto ko na magtrabaho,”“Ang hirap isa lang ang may income.”“Ano kaya mga magandang ideya sa online selling?”
Gusto mo na rin ba sanang magkaroon ng hanapbuhay? Paano kung si Nanay ay nagpapasuso? Paano kung may mga maliliit pa na anak na kailangan gabayan?
Sinong nanay ang relate sa gastusin sa bahay? Yung petsa de peligro na tapos may bayarin ka pa? Ang layo pa ng katapusan! Iyak tawa nalang tayo!
Di natin maitatanggi ang laki ng kontribusyon ng mga kababaihan sa ekonomiya ng bansa. Sa modernong panahon, mas madali at mas maginhawa ang buhay kapag dalawa kayo ng partner/asawa nyo ang nagtatrabaho?
Minsan napapasubo talaga tayo to decide what is best for our family.
Mga Inay?Gusto nyo bang magtrabaho habang nagpapadede kay baby? Habang hinihintay ang paglabas ni Kuya sa school?
Ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga hanapbuhay na pwede nating gawin sa bahay!!
ONLINE SELLING (Retailing)
Madali lang, maghanap ka ng supplier sa online, mag abang ng Sale sa Shopee at LAZADA. Ipost at ibenta sa online friends mo! TIPS; Sumali ka ng groups (mommy groups, destash groups etc) para mas maraming parokyano!! Ibenta ang uso, maging friendly ! I started online selling since 2015 (active) and it is really heart warming na andito pa rin ang mga suki ko!!
HANDICRAFTS and MADE TO ORDER!
Marunong ka ba magluto? Manahi? Gumawa ng souvenir?? Mga mommies, patok na patok ngayon ang paggawa ng sariling tinda at itinda ito online! Halimbawa lamang ang paggawa ng leche flan or yema cake (ang sherep!), kung magkakaroon ka ng suki at magugustuhan nila produkto, ititinda nila ito sa iba at tiyak magiging reseller mo sila! TIPS : Gawan ng “twist” ang gawang pagkain! Kung ikaw ay marunong manahi at nakapag-aral o nakapagsanay ng gumawa ng damit pambata, souvenirs sa binyag or birthdays, tiyak kikita ka kahit nasa bahay ka lang. All you need to do is to post a sample/inspiration sa Facebook or Instagram!! Gawing creative ito at unique!!
ESL or Online Teaching!!
Familiar ka ba sa ACadsoc? How about 51Talk? Mga Mommies, kung ikaw ay interesadong magturo ng English Language sa mga kabataan o sa mga dayuhan, tiyak sayong sayo ang oportunidad na ito! Kaibigan ko si Chelay, isa syang ESL teacher! Nagtatrabaho sa gabi at full time mom buong araw, supermom diba! Paano ba makaapply ? Ano ba ang “requirements”? Una, internet connection. Pangalawa, desktop or laptop (na may magandang specs) , headset (may noice cancelling) at isang tahimik na workin environment?
Sa ibang mga detalye, silipin ang link na ito → http://www.51talk.com/ph/landing_refer.php?refer=354 95
Tutulungan kayo ni Mommy Chelay nyan
VIRTUAL ASSISTANT!
Isa ako sa mga virtual assistant na nagpapadede habang nagtatrabaho. Nagluluto habang nag aabang ng message ng client, nagpapatahan ng anak habang nag-aayos ng docs ng client. Isa sa napaka flexible na trabaho ng isang Ina ang pagiging “Virtual Assistant”. Maari kang maging social media manager (taga schedule at maari ring taga gawa ng content) sa mga socila media platforms. Maari kang maging researcher, tagalikom ng datos o “lead generation”. Graphic Designer, taga gawa ng mga mahuhusay na graphics at art! Data encoder, appointment setter! Web designer, IT consultant etc!! Napakadaming scope ang pagiging virtual assistant!
Maari nyong macheck ang mga trabahong bagay sa skils ninyo sa link na ito :
https://www.onlinejobs.ph/
https://
https://
Oh diba! Super daming paraan ! Cheer up mga Inay!

Hanggang sa susunod!
Mommybabe

1 Comments
I do online selling din Mommy Ysai, pero on and off.i wanna try homebased job noon pa but i was torn with mom and wife duty and nagkaroon ako ng pdd. Now na na nag wean na si lo i wanna pursue it. Aja for 2020. Thank you for the bright insight ❤️
ReplyDelete