Truths or Lice? #KilusangKontraKuto ng Licealiz sa Lungsod Ng Dabaw
Naku! It's the time of the year na naman upang dumayo ng mga paaralan lalo na mga pampublikong elementarya para sa "Pilipinas, Kuto Free Ka Na ba?!" Drive ng Licealiz. Ang layunin ay dayuhin ang 30 PUBLIC SCHOOLS sa buong bansa na may 6,000 apektadong mag-aaral ng kuto at mamigay ng Licealiz Sachets.
Ngayong taon, napili ang Cesareo Villa Abrille Elementary School upang bigyang karagdagang edukasyon ang mga kabataan tungkol sa personal hygiene nila, lalo na ang pagwaksi sa napakatagal ng problema ng mga Nanay- ang kuto!
Wash/Rinse Area |
Alam nyo ba mga kumare na napakarami pala tayong di alam tungkol sa "parasites" na ito. Ililista natin ang mga bagay na natuklasan ko kahapon sa aming programa kasama si Dra. Ana Liza Lanuza, isang Family Physician (Occupational Medicine).
- WALANG PAKPAK ANG KUTO. Therefore mga Nanay, gumagapang po sila gamit ang kanilang ANIM na maliliit na paa.
- KAYA NILANG MAGPARAMI sa ISANDAANG ITLOG ! Bongga!
- Ang paggamit ng ng SUKLAY, UNAN, SUMBRERO at iba pang kagamitang ginagamit ng isang "infected person" ay ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng kuto!
- Umabot na sa WALONG MILYONG kabataan na may edad 7-12 taong gulang ang infected sa kuto mula noong 2009!
Kasama ang Lamoiyan Corporation, si Doc Lanuza , mga kasamahan ko sa Mommy Bloggers Philippines , Ms Cristina Martinez ng Lamoiyan Corporation , mga mag-aaral at mga magulang sa tulong ng Department of Education at Drugstores Association of The Philippines (DSAP) , naganap ang isang programa at workshop upang maiwasan, maiwaksi at tuluyan nang maalis ang kuto ng mga kabataan.
Si Dra Lanuza habang nagbibigay ng karagdagang impormasyon at edukasyon sa mga estudyante at mga magulang. |
Iginiit din ni Doc Lanuza na wala sa edad, kasarian at estado sa buhat ang pagkakaroon ng kuto. Ang pangunahing bagay na dapat mairesolba at maturo ay ang pagiging malinis sa katawan at "proper education." Hindi ibig sabihin na naligo kana ay "okay" na. Kailangan ding palaging malinis, isa sa paraan ay ang pag-iwas sa paghiram ng mga "grooming" materials sa iba at tamang pangangalaga din gamit ang IWAS KUTO SHAMPOO WITH CONDITIONING FORMULA!
Ito ay ang LICEALIZ!! Ang licealiz ay isang Anti Lice Shampoo na di lang mapapanatiling malinis ang ating mga ulo, nakakatulong din ito sa pangangalaga ng ating buhok.
Paano nga ba gamitin ang Licealiz? Kailangan natin sundin ang tamang hakbang upang maging matagumpay ang ating "misyon."
- Basain gamit ang tubig ang ulo at buhok.
- Maglagay ng tamang dami ng Licealiz Shampoo sa palad at iapply sa buhok. Ikuskos lalo na sa anit.
- Ibabad ng sampung minuto.
Ang cute! May isang mesa na may crayons at coloring books para di mainip ang mga bata sa paghihintay ng 10 minutong babad.
- Banlawan.
- Ipatuyo gamit ang malinis na tuwalya.
- Gamitan ng suyod para maalis na sa ulo at buhok ang mga kuto.
- Gawin ito dalawang beses sa isang Linggo hanggang tuluyang mawala ang mga kuto.
Napakadali diba? Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga!
Bilang isang magulang, napakahirap sa atin ang makitang di makatulog ng maayos ang ating mga anak dahil sa disturbong hatid ng pagkati at pagdami ng kuto. Napakahalagang tayong mga magulang ay may KUSA AT MALASAKIT sa ating mga anak.
Hindi lamang simpleng pagligo, pati na rin ang pagpapangaral sa ating mga anak kapag sila ay nasa labas at di tayo ang kasama. Turuan silang maging malinis sa katawan. Ika nga diba, "CLEANLINESS IS NEXT TO GODLINESS!"
Ano pa bang hinihintay nyo? Maging KUTO FREE NA! Lalo na at available na din sa mga sachet ito!
Bisitahin ang Facebook Page mg Licealiz para sa karagdagang impormasyon
Mga ngiti galing sa kapwa ko bloggers! Yay! |
May tsika ka ba? Send me a DM and mgsubscribe sa email ko!
0 Comments